Entrepreneur ESTP na Personalidad

Ang mga Entrepreneur ay matalino, puno ng enerhiya, at napakamapagmasid na mga tao na tunay na nasisiyahan sa pamumuhay na mapanganib.

Isang eksena na kumakatawan sa ESTP na personalidad (Entrepreneur). Isang kilalang lalaking ESTP na skier ang nakatayo nang may kumpiyansa sa snow, na may mga pine tree at bundok sa background. Ang skier ang sentro ng atensyon, nakangiti habang dalawang tagahanga – isang lalaki at isang babae – ay nasasabik na kumuha ng kanyang larawan at humihingi ng autograph. Ang kabuuang eksena ay nagpapahiwatig ng pakikipagsapalaran, katapangan, pagiging panlipunan, at popularidad.
E Extraverted S Observant T Makatuwiran P Mapaghanap

Entrepreneur

Ang buhay ay isang matapang na pakikipagsapalaran o wala.

Helen Keller

Ang mga taong may uri ng personalidad na ESTP (Entrepreneurs) ay masisiglang indibidwal na puno ng entusiasmong at biglaang enerhiya. May tendensiya silang maging mapagkumpitensya, kadalasang inaakalang isang kailangang paraan ang pagiging palaban upang magtagumpay sa buhay. Dahil sa kanilang masigla, nakatuon-sa-gawaing pag-uugali, bihira silang gumugol ng oras sa pag-iisip tungkol sa nakaraan. Sa katunayan, mahusay silang magtuon ng pansin sa kasalukuyan – kaya madalang silang maging mailalim sa pag-aalala sa oras sa maghapon.

Ang teorya, mga abstract na konsepto, at mabagal na talakayan tungkol sa pandaigdigang mga isyu at implikasyon nito ay hindi nakapapanatili ng interes ng mga ESTP. Pinananatili nilang masigla ang kanilang mga usapan, nagdadagdag ng sapat na katalinuhan, ngunit mas gusto nilang pag-usapan kung ano ang nangyayari – o mas mabuti pa, lumabas at gawin ito. Madalas silang tumalon bago tumingin, inaayos na lang ang kanilang mga pagkakamali habang sumusulong kaysa umupo nang walang ginagawa at maghanda ng mga estratehiyang pang-iwas.

Animasyon ng pagpapakilala sa uri ng personalidad na ESTP

Kaagad na Pagsisid

Ang mga ESTP ay matapang at walang takot, hindi natatakot na magsugal o kumilos ayon sa bugso ng damdamin. Nabubuhay sila sa kasalukuyan at sumisisid sa aksyon nang may bukas na isipan at panlabas na tiwala. Ang mga taong may ganitong uri ng personalidad ay nasisiyahan sa drama, pasyon, at kasiyahan, hindi dahil sa emosyonal na sensasyon kundi dahil nakapagpupukaw ito sa kanilang kaisipan. Madalas silang gumawa ng mahahalagang desisyon batay sa makatotohanang katotohanan ng kasalukuyang sitwasyon, gamit ang mabilisang lohikang pang-unang repleksyon.

Ito ang dahilan kung bakit hamon para sa mga ESTP ang pormal na edukasyon at iba pang labis na organisadong kapaligiran. Hindi ito dahil kulang sila sa talino, at kaya nilang magtagumpay doon, ngunit ang mahigpit na gawi ng pormal na lektura ay malayung-malayo sa “hands-on” na pag-aaral na gustung-gusto ng ganitong personalidad. Kailangan ng ganap na kahustuhan para makita ang prosesong ito bilang mahalagang paraan sa isang mas kahanga-hangang layunin – isang bagay na magbubukas ng mas kapanapanabik na oportunidad.

Hamon din na para sa mga ESTP, mas makatuwiran na gamitin nila ang sarili nilang moral compass kaysa sundin ang sa iba. Ang mga patakaran ay ginawa para labagin. Ito ay paniniwala na iilan lamang na guro o superbisor ang makakaunawa, kaya maaaring magkaroon ng partikular na reputasyon ang mga personalidad na ito. Ngunit kung mababawasan nila ang gulo, matutunan nilang pigilan ang sobrang enerhiya, at magpokus sa mga nakakabagot na bagay, sila ay magiging isang puwersang dapat isaalang-alang.

Ang Landas na Hindi Madalas Tahakin

Taglay marahil ang pinakamatingkad at direktang pananaw sa lahat ng uri, ang mga ESTP ay may natatanging kasanayan sa pagtukoy ng maliliit na pagbabago. Kung ito man ay pagbabago sa ekspresyon ng mukha, bagong istilo ng pananamit, o pagputol ng isang nakasanayang gawi, pinupuna ng mga taong ito ang nakatagong mga iniisip at motibo kung saan masuwerteng mapuna ito ng iba pang uri. Kaagad nilang ginagamit ang mga obserbasyong ito, itinuturo ang pagbabago at nagtatanong kahit pa magdulot ito ng pagkailang sa iba. Ang mga ESTP ay kasing direkta at prangka gaya ng posibleng maging isang tao.

Minsan, ang biglang pag-obserba at pag-aksyon ng mga ESTP ay siyang kinakailangan, halimbawa sa ilang kapaligiran sa trabaho, at lalong-lalo na sa mga emergency.

Ang mga taong may uri ng personalidad na ESTP ay puno ng sigla at damdamin, na pinupunan ng isang lohikal – bagama’t minsan ay madaling magambala – na isipan. Nakakapagbigay sila ng inspirasyon, nakakukumbinsi, at makulay, at likas silang lider ng grupo, hinahatak ang lahat sa hindi karaniwang daraanan, naghahatid ng sigla at kasiyahan saan man pumunta. Ang tunay nilang hamon ay gamitin ang mga katangiang ito sa isang makabuluhan at nakakatuwang paraan.