Debater
Mabilis mag-isip at mapangahas, ang mga taong may ENTP na uri ng personalidad (Mga Debater) ay hindi natatakot na sumalungat sa status quo. Sa katunayan, hindi sila natatakot na sumalungat sa halos anuman o sinuman. Iilan lang ang mga bagay na nagpapasigla sa mga personalidad na ito nang higit pa sa kaunting pakikipagtalakayan – at kung ang usapan ay lumihis sa kontrobersyal na teritoryo, mas mabuti.
Gayunpaman, mali ang isipin na ang mga ENTP ay hindi makasundo o masungit. Sa halip, ang mga taong may ganitong uri ng personalidad ay marunong at mapang-usisa na may masayahing sense of humor, at maaari silang maging nakaaaliw. Mayroon lamang silang kakaiba at hindi karaniwang ideya ng katuwaan – na kadalasang may kasamang malusog na dosis ng masigasig na debate.
Paglabag sa mga Patakaran
Sundan ang landas na hindi ligtas, malayang nag-iisip. Ilantad ang mga ideya mo sa mga panganib ng kontrobersya.
Kilala ang mga ENTP sa kanilang mapagrebeldeng pag-uugali. Para sa ganitong uri ng personalidad, walang paniniwala ang masyadong sagrado para tanungin, walang ideya ang masyadong pundamental para suriin, at walang patakaran ang masyadong mahalaga para labagin o kahit man lang lubos na subukan. Maaaring magmukhang masyadong mapangahas o sumasalungat ang mga may ENTP na personalidad, ngunit sa kanilang kaibuturan, ang kanilang likas na pagkahilig na subukan ang mga hangganan ay may kinalaman sa kanilang pagnanais para sa inobasyon at pagbabago.
Sa kanilang pananaw, karamihan sa mga tao ay masyadong handang gawin ang sinasabi sa kanila at bulag na sumunod sa mga panlipunang pamantayan, presyon, at pamantayan. Nasisiyahan ang mga may ENTP na personalidad sa ehersisyong mental ng pagkuwestiyon sa namamayaning paraan ng pag-iisip, at nasisiyahan sila sa pagtuklas ng halaga ng mga di-inaasahang magtatagumpay at mga hindi karaniwan. Hindi maiwasan ng kanilang aktibong isipan na muling pag-isipan ang mga bagay na itinuturing na normal ng lahat at itinutulak sila sa mga matalinong bagong direksyon.
Bagama’t gustung-gusto ng mga ENTP ang mag-brainstorm at mag-isip nang malaki, ang mga personalidad na ito ay may ugaling iwasang mahuli sa paggawa ng “mabibigat na trabaho” ng pagpapatupad sa kanilang mga ideya, at minsan ay nahihirapan silang manatili sa kanilang mga layunin. Sa ilang antas, may katuturan ito – napakarami nilang mga iniisip at suhestiyon para masubaybayan ang lahat ng ito, lalo na ang gawing realidad ang mga ito. Hangga’t magkaroon ang mga ENTP ng kagustuhang kilalanin at talagang sundin ang kanilang mga priyoridad, maaari silang magkaroon ng problema sa paggamit ng kanilang buong potensyal.
Ang Halaga ng Pagtutol sa Karaniwang Pananaw
Ang kapasidad ng mga ENTP para sa debate ay maalamat, ngunit hindi ibig sabihin na laging nakatutulong ito. Kapag lantaran nilang kinukuwestyon ang kanilang boss sa isang pagpupulong o sinusuri ang lahat ng sinasabi ng kanilang kapareha, maaaring iniisip ng mga matalinong personalidad na ito na sila ay mga kampeon ng katwiran at lohika. Ngunit maaari rin nilang sinisira ang kanilang mga pagkakataon na magtagumpay at lumigaya sa halip na pagbutihin ito.
Hindi sa lahat ng okasyon ay nangangailangan ng likas na pagtutol sa karaniwang pananaw ang ganitong uri ng personalidad, at karamihan sa mga tao ay may hangganan lamang sa pagkuwestiyon ng kanilang mga paniniwala at pagsasantabi ng kanilang damdamin. Bilang resulta, maaaring matuklasan ng mga ENTP na ang kanilang mapang-away na kasiyahan ay nakasisira ng maraming tulay, madalas nang hindi sinasadya. Ang mga personalidad na ito ay iginagalang dahil sa kanilang pananaw, kumpiyansa, kaalaman, at matalas na sense of humor – ngunit hangga’t magkaroon sila ng kaunting pagka-sensitibo, maaari silang magkaroon ng problema sa pagpapanatili ng mas malalim na relasyon o kahit sa pagkamit ng kanilang mga propesyonal na layunin.
Sa paglipas ng panahon, maraming may ENTP na personalidad ang napagtanto na ang kanilang ideal na buhay ay kasama ang ibang tao at ang paggugol ng masyadong maraming enerhiya sa “pagwawagi” sa mga argumento ay nangangahulugan ng pagnanakaw sa kanilang sarili ng suportang kailangan nila para makarating kung saan nila gusto sa buhay. Ang magandang balita ay hindi mawawala sa mga taong may ganitong uri ng personalidad ang kanilang matalas na hindi pagsunod nang basta-basta. Maaari nilang gamitin ang kanilang kakayahang umangkop sa pag-iisip para maunawaan at tuklasin ang mga pananaw ng iba, kinikilala ang halaga ng pagsasaalang-alang at kompromiso kasama ang lohika at pag-unlad.