Protagonist
Kapag tahimik ang buong mundo, kahit isang boses ay nagiging makapangyarihan.
Ang mga taong may ENFJ na uri ng personalidad (Mga Protagonist) ay nakararamdam ng tawag na maglingkod nang may mataas na layunin sa buhay. Maalalahanin at idealista, nagsisikap ang mga ENFJ na magkaroon ng positibong epekto sa ibang tao at sa mundong nakapaligid sa kanila. Bihirang umiiwas ang mga personalidad na ito sa pagkakataong gawin ang tama, kahit na ito ay hindi madali.
Ang mga ENFJ ay ipinanganak na mga lider, na nagpapaliwanag kung bakit karamihan sa kanila ay mga kilalang pulitiko, coach, at guro. Ang kanilang pasyon at karisma ay nagbibigay-daan sa kanila na magbigay inspirasyon sa iba hindi lamang sa kanilang mga karera kundi sa bawat larangan ng kanilang buhay, kabilang ang kanilang mga relasyon. Iilan lang ang mga bagay na nagbibigay sa mga taong may ENFJ na uri ng personalidad ng mas malalim na kahulugan ng kagalakan at katuparan kaysa sa paggabay sa mga kaibigan at mahal sa buhay upang maging ang pinakamahusay na sarili nila.
Pagsasalita para sa Tama
Ang mga ENFJ ay may posibilidad na maging malinaw sa kanilang mga pinahahalagahan, kabilang ang pagiging tunay at altruismo. Kapag may nakita silang hindi makatarungan o mali, nagsasalita sila. Ngunit bihira silang lumabas bilang mapangahas o mapilit, dahil ang kanilang pagiging sensitibo at pang-unawa ay gumagabay sa kanila upang magsalita sa mga paraang umaapela sa iba.
Ang mga ENFJ na personalidad ay may hindi lamang kahanga-hangang kakayahang makuha ang mga pinagbabatayan na motibasyon at paniniwala ng mga tao kundi pati na rin ang kahusayan sa pag-unawa kung ano ang nararamdaman ng iba sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanila. Minsan, maaaring hindi nila maintindihan kung paano nila mabilis na nauunawaan ang isip at puso ng ibang tao. Ang mga kislap ng pang-unawang ito ay maaaring gawin ang mga ENFJ nakakakumbinsi at nagbibigay inspirasyon na tagapagsalita.
Ang lihim na sandata ng uri ng personalidad na ito ay ang kanilang kadalisayan ng layunin. Sa pangkalahatan, ang mga ENFJ ay namo-motivate ng tapat na hangaring gawin ang tama sa halip na pagnanais na manipulahin o magkaroon ng kapangyarihan sa ibang tao. Kahit na hindi sila sumasang-ayon sa isang tao, naghahanap sila ng pagkakatulad. Ang resulta ay ang mga taong may ENFJ na uri ng personalidad ay maaaring makipag-usap nang malinaw at nang may pagka-sensitibo na halos imposibleng balewalain – lalo na kapag nagsasalita sila tungkol sa mga bagay na malapit sa kanilang mga puso.
Pagiging Kasangkot
Kapag nagmamalasakit ang mga ENFJ sa isang tao, gusto nilang tumulong na lutasin ang mga problema ng taong iyon – minsan sa anumang paraan. Ang magandang balita ay maraming tao ang nagpapasalamat sa tulong at payo na ito. Pagkatapos ng lahat, may dahilan kung bakit ang mga personalidad na ito ay may reputasyon sa pagtulong sa iba na mapabuti ang kanilang buhay.
Ngunit ang pakikialam sa mga problema ng ibang tao ay hindi palaging sangkap para sa tagumpay. Ang mga ENFJ ay may posibilidad na magkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang maaari o dapat gawin ng mga tao upang mapabuti ang kanilang sarili, ngunit hindi lahat ay handang gawin ang mga pagbabagong iyon. Kung masyado silang namimilit, maaaring makaramdam ng galit o hindi makatarungang panghuhusga ang kanilang mga mahal sa buhay. At kahit na kilala ang uri ng personalidad na ito sa pagiging mapagmatyag, kahit ang pinakamatalinong mga ENFJ ay maaaring magkamali ng basa sa isang sitwasyon o hindi sinasadyang magbigay ng maling payo.
Pamumuno sa Landas
Ang mga taong may ganitong uri ng personalidad ay mga tapat na altruista, handang harapin ang mga pag-atake upang ipaglaban ang mga tao at ideya na pinaniniwalaan nila. Ang lakas ng paniniwalang ito ay nagpapalakas sa kakayahan ng ENFJ na gabayan ang iba na magtulungan para sa mas malaking kabutihan.
Ngunit ang kanilang pinakadakilang regalo ay maaaring ang pamumuno sa pamamagitan ng halimbawa. Sa kanilang pang-araw-araw na buhay, ipinapakita ng mga ENFJ kung paano mapapangasiwaan ang tila karaniwang mga sitwasyon nang may malasakit, dedikasyon, at pag-aalaga. Para sa mga personalidad na ito, kahit ang pinakamaliit na pang-araw-araw na mga pagpili at pagkilos – mula sa kung paano nila ginugugol ang katapusan ng linggo nila hanggang sa kung ano ang sinasabi nila sa isang kasamahan sa trabaho na nahihirapan – ay maaaring maging pagkakataon upang pamunuan ang daan tungo sa mas maliwanag na hinaharap.